loob sa m~ga caibigan, mapagampon sa man~ga mabababa, maauain sa mahirap, ang ganitong mahal ay ligaya at capurihan nang bayan, at hari nang lahat nang pusò. Sa catagang uica,i, ang tunay na camahalan, ay na sa pagmamahal sa asal, at paggaua nang magaling.
Unti-unti, Feliza, na ipaquiquilala mo cay Honesto ang cahalagahan nang mahal na asal, nan pag-tuntón sa matouid at cagandahan nang loob. Italà mo sa caniyang dibdib, na ang báculo trono, corona ma,t, cetro ay ualang halaga, cun di napapamutihan nitong mahahalagang hiyas, Ipahayag mo cay ama,t, cay ina ang cagalan~gang co sa canila. Adios, Felisa, hangang sa isang sulat.—URBANA.
PAGIIBIGAN
Si Urbana cay Feliza.—MANILA....
FELIZA: Ang marunong maquipagcapua tauo, saan saan ma,i, pinacamamahal, at isang tandang pinagcacaquilanlan, na may pinagaralang bait. Sa paquiquipagusap nang isang pinagpupunoan sa caniyang puno, ay di lubhang maquiquilala ang marunong maquipagcapoua tauo, sapagca,t, sa tacot ó sa alang alang, ay nacapagpapangap nang mahal na asal na uala sa dibdib, n~guni,t, sa paquiquisama, ó sa paquiquipag-usap sa caniyang caparis, ay diyan naquiquilala ang marunong maquipagcapoua tauo, at ang hindi; ang may mahal na asal, ó asal timaua, ang may tapat na loob, at ang lilo, ang may pinagaralang bait, at ang ualá, sapagca,t, ang uala ay capag nalin~gat, ay nailoloual ang laman nang puso dahil sa pagpalagayan nang loob.
Sa pagpapalagayan nang loob ay di na cailan~gan sundin ang man~ga ceremonias at cagalin~gang ucol sa man~ga puno; n~guni, bagay-bagay rin naman ang pagpapalagayan nang loob. Cung sumisinsay na sa matouid, na pinagcacadahilanang ipahayag sampo nang casalaulaan; ito,i, isang caasalang nauucol lamang sa tauong salát sa cabanalan at sa calinisan, caya malaqui man ang pagiibigan ay di dapat iloual ang boong nasa sa loob. May isa namang pagpapaquita nang loob na may halong pag-imbot, na di ang hinahan~gad ay ang tunay na pagiibigan, cun di ang siya,i, maquinabang sa tinatauag na caibigan. ¡Malupit na pagibig na laban sa mahal na asal! Ang man~ga caibigan ito ay maipaghahalimbaua sa alamid, na nagdaya sa ouac, na sinasalita sa Fábula: May isang ouac na nagnacao nang queso,i, napailanglang nang lipád at tumuntong sa san~gá nang mataas na cahoy. Nang maquita nang alamid ang queso sa bibig, ay binati nang boong galang at quinausap. Di macacailan, aniya na aquing narinig, na sa balita,i, di sucat na maniuala, n~gayon co natanto na ang sabing ito,i, may catotohanan. Di anhin ang sabi, icao, sacdal itim, mapanood quita,i, mauiuica cong maputi capa sa busilac: daig mo ang cisne talo mo ang yedra, at cun sa huni disin, ay dadaiguin mo ang man~ga ibon, para nang pagdaig mo sa culay nang balahibo, ay uiuicaing co, na icao ang hari nang lahat nang ibon. Sa ganitong puri ay napa-ilanglang ang isip nang ouac, pinagbuti ang tayo, ipinamayagpag ang pacpác, at sinabayan nang huni, nabucsan ang tucá; nalaglag ang queso,i, quinain nang alamid. Sa ang ouac ay magcagayon, ay nagdalá nang malaquing hiya, at naquilala na siya,i, inaring ulol, at pinagdayaan nang alamid.
Конец ознакомительного фрагмента.
Текст предоставлен ООО «ЛитРес».
Прочитайте эту книгу целиком, купив полную легальную версию на ЛитРес.
Безопасно оплатить книгу можно банковской картой Visa, MasterCard, Maestro, со счета мобильного телефона, с платежного терминала, в салоне МТС или Связной, через PayPal, WebMoney, Яндекс.Деньги, QIWI Кошелек, бонусными картами или другим удобным Вам способом.