align="right">
"Nababagabag ang kung sino may may suot ng korona"
UNANG KABANATA
Isang batang lalaki ang nakatayo sa pinakamataas na bahagi ng mababang bansa sa Kaharian ng Bilog na Kalupaan sa may kanluran, tumatanaw sa mga hilaga habang hinihintay ang pagsikat ng araw. Natatanaw niya ang luntiang mga burol na naimo'y mga likod ng mga kamelyo, may mababa at may mataas din. Ang kahel na kulay ng unang sikat ng araw ay unti unti ng sumisilip at nagpapakinang sa paligid na sumasalamin sa damdamin ng batang lalaki. Bihira lamang siyang gumising ng maaga, lumayo ng ganito sa kanilang tahanan at umakyat ng ganito kataas dahil alam niya na ikagagalit ito ng kanyang ama. Ngunit iba ang araw na ito. Hindi niya inisip kung anong sasabihin sa kanya ng ibang tao. Aa araw na ito, kakalimutan muna niya ang lahat ng mga utos at mga gawaing bahay na kumulong sa kanya sa loob ng labing apat na taon. Ngayon ang araw ng pagtupad ng kanyang tadhana.
Ang batang lalaki, si Thorgrin ng kanlurang kaharian ng timog probinsya ay nagmula sa angkan ng mga McLeod, ay mas kilala bilang si Thor-ang pinakabata sa 4 na magkakapatid na lalaki at hindi gaanong kapaborito ng kanyang ama. Buong gabi siyang hindi makatulog dahil sa paghihintay sa pagdating ng araw na ito. Hindi niya mawari ang gagawin sa kakahintay sa araw na ito. Ang pagkakataon na ito ay minsan lamang sa ilang taon kung dumating, kaya kung papalampasin pa niya ito ay baka habang buhay na siyang mamalagi sa kanilang lugar habang nagaalaga sa mga tupa ng kanyang ama. Iyon ang hindi niya maatim na mangyari.
Ang Araw ng Pagpili. Ito nag araw kung saan maglilibot ang mga tauhan ng hari sa bawat probinsya upang kumuha ng mga magboboluntaryo na sumali sa Legion, ang grupo ng mga mandirigma ng kaharian na sinanay at pinagkalooban ng pinakamahuhusay na armas at kagamitan sa buong kaharian. Buong buhay ni Thor ay pinangarap niyang maging bahagi ng tinatawag na Silver, na kinabibilangan ng pinakamagagaling na mandirigma. Ngunit walang maaring maging bahagi ng Silver, hangga't hindi sila nagigin bahagi ng Legion, isang grupo ng kinatawan na nasa edad labing-apat hanggang labing-siyam na taon. At kung sinoman ay hindi anak ng isang noble o ng isang mandirigma, walang ibang paraan upng makapasok sa Legion.
Ang Araw ng Pagpili ay ang tanging pagasa ng mga katulad ni Thor na hindi anak ng isang noble o ng mandirigma. Ito ang tanging araw kung saan maghahanap ang mga tauhan ng kaharian ng mga bagong magiging kasapi ng Legion. Alam ng marami na iilan lamang ang maaring mapili galing sa mga ordinaryong mga mamamayan, at hindi lahat sa mga mapipili ang magiging bahagi ng legion.
Sinuring mabuti ni Thor ang lugar sa paghahanap ng kahit anong kakaiba sa paligid. Alam niyang doon sa lugar na iyon lamang maaring dumaan ang mga Silver at gusto niyang siya ang unang makatanaw sa kanila. Ang mga alaga niyang tupa ay nagsisimula ng magkagulo na animo'y nagpoprotesta kay Thor upang sila ay ibaba mula sa burol. Ngunit binalewala lamang ito ni Thor. Dapat siyang mag maghanda.
Ang tanging bagay na nagpalakas ng kanyang loob sa ilang taon na pagaalaga ng mga tupa at pagiging animo'y alila ng kanyang ama at mga kapatid ay ang pagasa na darating ang araw na makakaalis din siya sa buhay na kanyang kinalakhan. Na isang araw, pagdating ng mga Silver at siya ay napili, gugulatin niya ang lahat ng tao na nangmamaliit sa kanya at sa isang iglap ay iiwan niya ang lahat ng ito
Ang ama ni Thor,samantala, ay walang paniniwala na maaring mapili sa Thor para sumali sa Legion o sa kahit saan. Itinuon lamang niya ang kanyang atensyon at pagmamahal sa kanyang tatlo pang anak. Ang pinakamatanda at labing siyam na taon at ang mga sumunod ay isang taon naman ang agwat sa isat isa. Marahil ang pagkakalapit ng kanilang mga edad ang dahilan ng kanilang malapit na pagsasama at hindi rin nila kahawig si Thor. Animo'y isang hangin lamang si Thor na hindi nila nakikita.
At ang mas masama pa dito ay hamak na mas matatangkad at balingkinitan ang mga katawan ng mga kapatid ni Thor. Alam ni Thor na matangkad din naman siya ngunit kapag tumatabi siya sa kanyang mga kapatid ay unti unti siyang nanliliit. Ngunit sa kabila nito, si Thor pa din ang inatasan ng kanyang ama na magalaga sa mga tupa habang ang kanyang mga kapatid ay nagsasanay sa nalalapit na pagdating ng mga Silver. Kahit hindi sabihin ng ibang tao, alam ni Thor na siya ay inaasahang mabuhay sa anino ng kanyang mga akpatid habang pinapanuod silang magtagumpay sa buhay. Ang kanyang tadhana, kung masusunod ang kanyang ama at mga kapatid, ay ang mabuhay at manatili sa lugar na ito at gawin ang pianguutos ng kanyang pamilya.
Ang mas malala pa dito ay nararamdaman ni Thor na natatakot din sa kanya mag kanyang mga kapatid kaya kinamumuhian siya ng mga ito. Nakikita ito ni Thor aa bawat tingin at galaw ng kanyang mga kapatid. Hindi rin ito maintindihan ni Thor, ngunit maaring dahil sa naiibang anyo ni Thor, ang pagkakaiba ng kanilang pagsasalita at pagkilos, kahit na animo'y basahan ang kasuotan ni Thor kumpara sa mga inihandang mga kagamitan at damit ng kaniyang ama para sa tatlon niyang kapatid.
Ngunit, pinagtyagaan pa din ni Thor ang lahat ng ito. Gumawa siya ng paraan upang magkasya ang kanyng mga damit. Tinatalian niya ito sa kanyang baywang upang sumikip. At ngayong panahon ng tagaraw, ay tinatanggal niya ang manggas ng kanyang damit upang maging presko. Ang kanyang damit ay may pares ng pantalon at bota na nagiisa isa niyang kagamitan. Sa kabila ng kakulangan sa mga mararangyang gamit tulad ng kanyang mga kapatid ay nagawan niya pa rin ito ng paraan.
Ngunit, wala siya ng tipikal na kilos. Maganda nag tindig at tikas ng katawan ni Thor. May bakas ng pagmamalaki sa kanyang mukha. Ang kanyang buhok ay kulay lupa habang ang kanyang mata ay nagniningning na puno ng pagasa.
Ang mga kapatid ni Thor ay pinahintulutang matulog ng mahaba, kumain ng masasarap, humawak ng magagandang mga armas bago pumunta para sa pagpili kasama ang basbas ng kanilang ama,samantalang si Thor ay hindi man lamang pinayagan na magboluntaryo. Sinubukan ni Thor na kumbinsihin nag kanyang ama tungkol dito ngunit hindi naging maganda ang pagtatapos ng kanilang usapan. Hindi ito patas para kay Thor.
Susubukan ni Thor na balewalain ang kagustuhan ng kanyang ama para sa kanya. Sa unang sulyap sa karwahe ng hari ay agad siyang babalik pauwi at kokomprontahin ang kanyang ama. Sa ayaw nito at sa hindia ay sisiguraduhin ni Thor na maipapakilala niya ang kanyang sarili sa mga tauhan ng kaharian. Hindi siya maaring pigilan ng kanyang ama. Habang iniisip lahat ito ni Thor ay hindi niya maiwasan ang kabahan.
Sumikat na ang unang liwanag ng araw at ng nagsimula ng din sumilip ang ikalawang liwanag nito ay nasulyapan ni Thor ang kanyang pinakahihintay.
Tumindig siya doon at animo'y nakuryente. Unti unti niyang naaninag ang hugis ng kabayo at ng dala nitong karwahe. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ni Thor habang dumating pa ang ibang mga karwahe. Kahit nasa malayo ay kitang kita pa din ang pagkinang ng mga karwahe.
Ng mabilang ni Thor anf labing dalawang karwahe na paparating ay hindi na siya maghihintay pa. Malakas ang kabog ng dib dib ni Thor at sa unang pagkakataon ay nakalimutan na niya ang kanyang mga alagang tupa. Agad agad tumakbo pababa ng burol si Thor at hindi siya magpapapigil hanggat hindi niya naipapakilala nag kanyang sarili.
Hindi tumigil sa pagtakbo so Thor kahit magkasugat sugat na ang kanyang katawan dahil sa mga sanga at puno sa kanyang daan. Nakarating siya sa kanilang nayon at nakita ang mga tao na nakaumpok: isang matamlay na nayon na puno nga mga bahay na yari sa luwad at may isang palapag. Iilang pamilya ang nakatira dito. Puno ng usok ang mga tsiminiya ng bawat bahay dahil halos lahat ay nagising ng maaga para maghanda ng almusal. Isang araw na lakbayin ang layo ng bayan na ito aa kaharian. Isa lamang itong lugar sakahan sa dulo ng Bilog na Kalupaan. Isang turnilyo sa gulong ng kanlurang kaharian.
Dali daling lumapit si Thor sa kinaroroonan mga mga taong bayan habang nililinis at inaayos ang kanyang sarili. Nagtakbuhan papalayo sa kanya ang mga aso at manok at isang matandang babae na nasa labas ng kanyang bahay ang sumigaw sa kanya.
"Bata, magdahan dahan ka!" Sigaw ng matanda habang tumatakbo ng mabilis si Thor.
Ngunit hindi nagdahan dahan si Thor para sa matanda o para sa kahit na sino. Nagpasikot sikot siya sa mga daan na kabisadong kabisado niya hanggang sa makarating sa kanilang tahanan.
Maliit lamang at marupok ang kanilang bahay tulad ng iba. Isa lamang itong maliit na silid na hinati sa dalawa. Sa kabilang bahagi natutulog ang kanyang ama, at sa kabila naman ang kanyang tatlong kapatid. May maliit na kulungan ng mga manok sa likod ng kanilang bahay at doon napilitang matulog si Thor. Noong una ay katabi siyang matulog ng kanyang mga kapatid