ang isa pang pagsusuri, ay agad siyang tumakbo papuntang kanluran,papalapit sa madilim na kagubatan. Nanghihina ang kanyang kalooban, ngunit patuloy sa pagtakbo ang kanyang mga paa. Wala ng atrasan, kahit na gustuhin niya.Para siyang tumatakbo palayo sa isang masamang panaginip.
Mabilis na tumakbo pababa si Thor ng walang hinto patungo sa madilim na kagubatan. Nawala ang marka ng daanan bago dumating mga puno papasok ng gubat. Nararamdaman ni Thor ang mga tuyong dahon na natatapakan ng kanyang mga paa.Sa pagpasok niya sa kagubatan, napalibutan ang paligid ng dilim. Nahaharangan ng matataas na puno ang liwanag galing sa araw. Bigla rin lumamig ang paligid at habang papasok si Thor ay nakaramdam siya ng matinding takot. Hindi dahil sa dilim o sa lamig ng hangin, nagmumula ang takot ni Thor sa ibang bagay. Isang bagay na hindi niya mapangalanan. Ito ang pakiramdam na parang may nakatingin at nagmamasid sa bawat kilos ni Thor.Tiningnan ni Thor ang mga naglalakihan at nagtitigasang mga sanga ng kahoy sa kanyang paligid. Nakakaialng hakbang pa lamang siya sa loob ng gubat ay ibat ibang tunog na ng mga kakaibang hayop ang kanyang narinig. Lumingon siya palikod at hindi na niya matanaw ang kanyang pinasukan na daan, pakiramdam niya ay wala ng daan palabas.
Ang madilim na kagubatan ay natatago mula sa kaharian at sa kamulatan ni Thor. Punong puno ito ng misteryo. Sino mang tao na nakawala ng alagang tupa sa kagubatan na iyon ay hinding hindi susubukang pumasok dito. Kahit ang kanyang ama. Ang mga kwento tungkol sa mga kababalaghan sa kagubatan ay masyadong nakakapanghilakbot.
Ngunit may kakaiba sa araw na ito na hindi pumigil kay Thor para pumasok sa madilim na gubat. May bahagi ng kanyang sarili ang gustong gawin lahat para lamang makalayo sa lugar na kinalakihan niya.
Naglakad pa siya palayo hanggang sa tumigil siya,hindi sigurado kung saan pupunta. Nakakita siya ng mga nabaling mga sanga na marahil dinaanan ng kanya tupa kaya sinundan niya ang daan na ito.Makatapos ang isang oras, tuluyan na siyang naligaw. Sinubukan niyang hanapin ang daan pabalik ngunit hindi na niya ito makita. Wala na siyang ibang paraan kung hindi ang maglakad ng maglakad.Sa malayo, nakatanaw si Thor ng liwanag at agad niya itong pinuntahan. Ng marating ni Thor ang pinanggagalingan ng liwanag, hindi siya malapaniwala sa kanyang nakita.Nakatayo doon, nakatalikod kay Thor, ang isang lalaki na nakasuot ng asul na damit. Hindi, hindi ito isang tao. Nakatayo lamang ito, natatakluban ng talukbong ang kanyang ulo at hindi gumagalaw na parang walang pakialam sa kanyang paligid.Hindi alam ni Thor ang gagawin. Narinig na niya ang tungkol sa mga Druids ngunit ngayon pa lamang siya aktwal na nakakita nito. Base sa mga marka na nakaguhit sa mga damit nito, masasabi na hindi ito isang pangkaraniwang Druids, ang mga nasa kasuotan ay simbolo ng kaharian. Naguguluhan si Thor. Anong ginagawa ng isang Druid ng kaharian sa lugar na ito?.Pagkatapos ng matagal na paghihintay ay unti unti siyang hinarap ng Druid at agad itong namukhaan ni Thor. Hindi makapaniwala si Thor. Isa ito sa mga pinakakilalang Druids ng kaharian, ang personal na Druid ng hari. Si Argon, ang tanyag na tagapayo ng mga naging hari ng Kanlurang Kaharian. Kung ano man ang kanyang ginagawa sa kagubatan na ito ay isang malaking misteryo. Wari'y nananaginip lamang si Thor."Totoo lahat ng mga nakikita mo" ang sabi ni Argon kay ThorMalalim ang kanyang boses na parang nanggagaling sa mga puno. Ang mga malalaking mata nito ay nakatitig ka Thor na animo'y pumapasok sa kanyang katawan. Nakaramdam siya ng malakas na enerhiya na nagmumula sa Druid na parang nagmumula sa araw.Agad lumuhod si Thor at nagbigay galang."Nawa'y patawari ninyo ako sa aking panghihimasok" sabi ni ThorAng hindi paggalang sa tagapayo ng Hari ay hahantong sa pagkakabilanggo o pagkamatay. Isa ito sa mga batas na tumatak kay Thor simula noong siya ay bata pa."Tumayo ka anak" ang sagot ni Argon. "Kung nais kong lumuhod ka ay dapat sinabi ko iyon sa iyo kaagad"Dahan dahang tumayo si Thor. Lumapit si Argon at pinagmasdan si Thor hanggang sa hindi na mapakali si Thor."Nakuha mo ang mga mata ng iyong ina" sambit ni Argon"Mukhang nagkakamali po kayo, wala po akong ina" sagot ni Thor"Talaga? Ipinanganak ka sa pamamagitan lamang ng iyong ama?""Ang ibig ko pong sabihin ay namatay na po ang aking ina sa pagluluwal sa akin""Ikaw ay si Thorgrin, na nagmula sa angkan ng mga McLeod. Ang pinakabata sa apat na magkakapatid. Ang hindi napili." Ang tugon ni Argon.Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Thor. Na ang isang tulad ni Argon ay kilala ang isang tulad niya. Ni hindi niya maisip na may ibang makakakilala sa kanya sa labas ng kanilang nayon."Paano…niyo po…nalaman?" Tanong ni ThorNgumiti si Argon ngunit hindi ito sumagot.Napuno ng katanungan ang isipan ni Thor."Paano…" Nanginginig na tanong ni Thor, "…niyo po nakilala ang aking ina? Sino po siya?"Tumalikod si Argon at lumakod palayo."Sa ibang pagkakataon siguro" sambit ni ArgonTiningnan lamang ni Thor habang papalayo si Argon. Isa iyong pagkikita na punong puno ng tanong at misteryo at nangyari lahat iyon sa isang iglap. Napagtanto niya na hindi to dapat matapos sa ganito kaya agad niyang sinundan si Argon."Ano pong ginagawa ninyo dito?" Tanong ni Thor. Naglakad ng mabilis si Argon gamit ang kanyang tungkod. "Hinihintay niyo po ba ako?""Sino pa?" Tanong naman ni ArgonSinundan pa din ni Thor ai Argon papasok muli ng madilim na kagubatan."Ngunit bakit ako? Paano ninyo nalaman na nandito ako? Anong kailangan ninyo sa akin?"Madaming tanong" sagot ni Argon "pinupuno mo ang paligid. Kailangan mong makinig"Patuloy na sinundan ni Thor si Argon sa madilim na kakahuyan habang pinipilit na maging tahimik."Pumunta ka dito para sa nawawala mong tupa," sabi ni Argon, "matapang ka ngunit sinasayang mo lamang ang oras mo. Hindi siya makakaligtas"Nanlaki ang mata bi Thor."Paano niyo po nalaman""Madami akong alam tungkol sa mga mundong wala kang kamuwang muwang....wala pa sa ngayon"Labis na napaisip si Thor."Ngunit hindi ka makikinig. Ito ka. Matigas ang ulo tulad ng iyong ina. Hahanapin mo pa din ang iyong nawawalang tupa."Namula si Thor habang binabasa ni Argon ang kanyang isip."Kakaiba ka," dagdag ni Argon, "malakas ang determinasyon. Positibo ang mga katangian. Ngunit balang araw, iyon ang magiging dahilan ng iyong pagbagsak ."Nagsimulang umakyat sa isang madamong lugar si Argon, at agad sumunod si Thor."Gusto mong mapabilang sa Legion?""Opo!" Ang sagot ni Thor na puno ng pananabik. "May pagkakataon pa po ba ako? Kaya niyo po ba akong tulungan?"Biglang natawa si Argon at ang tunog ng kanyang tawa ay nagpatindig aa balahibo ni Thor."Kaya kong gawin ang lahat. Nakasulat na iyong tadhana. Ngunit nasasayo ang desisyon kung anong pipiliin mo"Hindi maintindihan ni Thor.Nakarating na sila sa dulo ng kagubatan. Tumigil si Argon at humarap kay Thor."Mahalaga ang iyong tadhana," sabi ni Argon, "huwag mo itong babalewalain"Nanlaki muli ang kanyang mga mata. Ang kanyang tadhana? Mahalaga? Nakaramdam ng tuwa at pagmamalaki si Thor."Hindi ko maintindihan. Ang mga sinasabi ninyo ay puro mga palaisipan . Ipaliwanag niyo po sa akin. "Biglang naglaho si Argon.Nabigla si Thor sa mga pangyayari. Sinubukan niyang magmasid sa paligid at makinig. Nananaginip lamang ba siya? Kathang isip lamang ba ang lahat ng iyon?Patuloy na nagmasid si Thor sa paligid. Sa kanyang pagmamasid ay nakakita siya ng galaw sa isang banda ng gubat. Nakarinig din siya ng ingay at sigurado siyang iyon na ang kanyang tupa.Agad agad niyang nilapitan ang pinagmumulan ng ingay. Habang papalapit ay hindi niya maalis sa isipan ang kanyang pakikipagusap kay Argon. Hindi pa din siya makapaniwala. Anong ginagawa ni Argon doon? Hinihintay ba siya niyo?,pero bakit? At anong meron sa kanyang tadhana?Tuwing iisipin ni Thor ang mga sinabi ni Argon ay mas lalo siyang naguluhan. Naalala niya ang banta ni Argon na huwag ng ipagpatuloy ang paghahanap sa tupa ngunit nagpatuloy pa din siya. Habang papalapit ay nakaramdam ng kakaiba si Thor,na parang may magaganap.Biglang napahinto si Thor aa paglalakad sa kanyang nakita. Lahat ng kanyang masamang panaginip ay nagkakatotoo na. Nagtayuan ang kanyang balahibo habang napapagtanto niya na hindi dapat siya pumunta sa kagubatan na iyon.Malapit sa kinatatayuan niya ay isang Sybold. Malaki ang katawan, nakatindig sa apat nitong mga paa at kasinglaki ng isang kabayo ngunit ito ang pinakakinatatakutang nilalang,hindi lamang sa madilim na kagubatan kundi pati sa buong kaharian. Hindi pa nakakakita si Thor ng ganitong nilalang ngunit madaming istorya tungkol dito. Para itong isang leon ngunit mas malaki at mas mabagsik na may mga nanlilisik na dilaw na mga mata. May mga nagsasabi na ang namumulang kulay nito ay nagmula sa batang kanyang biniktima.Nakarinig na din si Thor ng mga kwebto tungkol sa mga nakakita sa halimaw na ito. At wala sa mga ito ang nabuhay. May ilan na nagsasabing ang Sybold ay diyos ng kagubatan, isang pangitain. Kung anong pangitain? Hindi ito alam ni Thor.Dahan dahan siyang pumihit patalikod.Ang nanlilisik na mga mata ng Sybold ay nakatitig sa dirkesyon ni Thor habang naglalaway ito at nakalabas ang mga matatalim na pangil. Sa bunganga nito ay ang nawawalang tupa ni Thor,sumisigaw ngunit halos wala ng buhay. Dahan dahan kung kainin ng Sybold ang tupa na parang nasisiyahan ito sa paghihirap ng tupa.Hindi makayanan ni Thor habang pinagmamasdan ang paghihirap ng tupa. Pakiramdam niya ay siya ang rason sa paghihirap nito.Unang pumasok sa isip ni Thor na tumakbo na lamang paalis ngunit siguradong maabutan siya nito at hindi niya pwedeng hayaang mamatay ang tupa.Tumayo lamang siya doon na puno ng takot at alam niyang sa anumang sandali ay kailangan na niyang kumilos.Ng walang kahit anong plano ay kinuha