Морган Райс

Ikot


Скачать книгу

ang bell.

      Lalong tumaas ang enerhiya ng lahat.

      Huli na siya.

      Tiningnan niya ulit ang papel kung saan nakalista ang numero ng silid aralan. Nakita niya ito mula sa malayo. Sinubukan niyang sumiksik para makadaan sa gitna ng mga estudyante pero hindi itong madaling gawin. Kailangan niyang maging agresibo kung gusto niyang makaabot sa klase niya. Sa wakas, nakarating din siya sa kanya unang klase. Inaasahan niya ang mga titig dahil sa bago siya at atrasado pa. Ngunit di niya inaasahan ang kanyang naabutan. Maingay ang lahat. Marami pang nakatayo at ang iba ay nakaupo pa sa kanilang mga mesa. Kahit pa limang minuto na makalampas ng oras ng klase, ang kanilang guro na mukhang gusot na gusot ang damit ay hindi pa nagsisimula. Nakataas lamang ang mga paa nito sa kanyang mesa habang nagbabasa ng dyaryo. Hindi sila pinapansin.

      Nilapitan ni Caitlin ang guro upang ibigay ang kanyang ID. Tumayo lamang siya sa harap niya, naghihintay na tumingin sa kanya ngunit hindi siya nito pinansin. Sinubukan niyang kuhanin ang atensyon nito. Doon lamang niya ibinaba ang kanyang binabasang dyaryo.

      "Ako si Caitlin Paine. Bagong estudyante ako dito. Kailangan ko atang ibigay ito sayo." sabi ni Caitlin sa guro habang inaabot ang ID niya.

      "Sub lang ako dito" sabi ng guro sabay basa ulit sa dyaryo niya.

      "Hindi ka kumukuha ng attendance?" tanong ni Caitlin.

      "Babalik ang inyong guro sa Lunes. Siya na ang bahala diyan" paaling na sagot ng guro.

      Hindi siya makapaniwala. Wala siyang magawa kundi ang maghanap na lang ng mauupuan. Pero saan? Wala nang bakante. Ayaw niyang tumayo sa buong oras ng klaseng iyon. Magulo pa din ang lahat, nagsisigawan. Wala man lang nakakapansin sa kanya. Napansin niyang pati pananamit nila ay iba sa kanya. Naisip niyang umalis na lamang. Tutal wala namang pakialam yung kapalit na guro. Nung akmang aalis na siya ay may nagsalita sa likuran niya.

      "Ito" sabi ng matangkad na lalaki habang nakatayo sa tabi ng mesa niya sa may tabi ng bintana sa may likuran.

      "Upo ka" sabi niya ulit.

      Panandaliang tumahimik ang silid. Lumapit siya sa kanya. Sinubukan niyang huwag tumitig ngunit hindi niya napigilan ang sarili niya. Sobrang ganda ng mga luntian niyang mata. Napakakisig niya. Hindi niya malaman kung anong lahi siya galing. Maikli ang kanyang kulay kapeng buhok at makinis ang kanyang balat. Mayroong bagay sa kanya na hindi nababagay sa lugar na iyon.

      Hindi rin nangyayari sa kanya ang mabighani ng ganoon sa isang lalaki. Nakita niya ang mga kaibigan niyang ganun pero hindi siya. Ngayon naiintindihan na niya ang pakiramdam.

      "Saan ka uupo?" kinakabahang tanong ni Caitlin sa lalaki.

      Ngumiti ang lalaki at doon nakita ni Caitlin ang kanyang perpektong mga ngipin.

      "Dito" sabi ng lalaki sabay turo sa pasamano ng bintana.

      "Salamat" sabi ni Caitlin. Salamat! inis na inis siya sa sarili niya dahil sa iyon lang ang nakaya niyang sabihin.

      "Tama yan Barack!" sigaw ng isang estudyante. "Ibigay mo lang ang upuan mo sa magandang, puting babae na iyan!"

      Nagtawanan ang lahat at muling bumalik ang ingay sa klase. Nakita ni Caitlin kung paanong napatungo at napahiya ang lalaki.

      "Barack? Yun ba talaga pangalan mo?" tanong niya.

      "Hindi. Tinatawag lang nila akong Barack kasi kamukha ko daw siya. Kalahating itim kasi ko, parteng puti at parteng Puerto Rican.

      Tiningnan ng mabuti ni Caitlin si Barack at sang-ayon siyang magkahawig nga sila.

      "Tingin ko isa itong papuri sa iyo" sabi niya.

      "Hindi kong paano nila ito sabihin " sagot niya.

      Pinagmasdan siya ni Caitlin habang nakaupo sa may bintana. Masasabi niyang sensitibo ito. Hindi siya bagay sa lugar na iyon.

      "Ako nga pala si Caitlin". Inabot niya ang kaniyang kamay habang nakatingin sa mga mata ng lalaki.

      "Jonah" sorpresang sagot niya habang inaabot pabalik ang kamay niya. Parang matutunaw ang pakiramdam ni Caitlin. Natagalan ang kapit sa kanya ni Jonah kaya't di niya napigilan ngumiti.

      Walang kakaibang nangyari buong umagang iyon. Gutom na si Caitlin pagdating niya sa kantina. Hindi siya makapaniwala sa laki nito. Sobrang ingay pa rin dito dahil sa libong estudyanteng nagsisigawan. Para siyang nasa loob ng gymnasium. Pinag-kaiba nga lang may security guard kahit saan ka tumingin.

      Syempre pa hindi na naman niya alam kung saan pupunta. Nakakita siya ng mga trey. Kumuha siya ng isa at pumila sa akala niyang umpisa nito.

      "Hoy! Huwag ka ngang paningit!" sigaw ng malaking babaeng estudyante sa likuran niya.

      "Pasensya na. Hindi ko kasi alam" sagot ni Caitlin.

      "Doon ang hulihan ng pila" paangil na sagot ng isa pang babaeng estudyante sabay turo kung saan ito.

      Sobrang haba pala ng pila. Aabutin siya ng dalawampung minuto para makakuha ng pagkain.

      Habang papunta siya sa huli ng pila, bigla na lang may lalaking estudyante na tumulak sa isa pang lalaking estudyante. Bumagsak ito sa may paanan niya. Sumugod ang una, tinalunan niya at pinagsusuntok ang nasa lapag. Nagsimulang magsigawan at magkagulo ang lahat.

      "Away! Away!" sigaw ng marami. Hindi siya makapaniwalang nangyayari ito sa harapan niya. Hanggang sa lumapit ang apat na security guards at inawat ang dalawa na duguan.

      Nang matapos kumuha ng pagkain ni Caitlin, simpleng hinanap niya si Jonah pero wala ito sa kantina. Naghanap siya ng mauupuan pero halos lahat ay may mga nakaupo na. Napansin niya ang magkakahiwalay at iba't ibang grupo doon.

      Nagdesisiyon siyang umupo sa mesa sa may bandang likod. Meron lamang isang lalaking estudyanteng Intsik na nakaupo sa may dulo ng mesa. Hindi maayos ang kanyang pananamit at nakasuot siya ng braces. Nakatungo lamang siya at nakatututok ang atensyon sa kanyang kinakain.

      Pakiramdam niya mag-isa siya. Tiningnan niya ang kanyang cellphone. May ilang mensahe siya sa Facebook galing sa kanyang mga kaibigan sa dati niyang lugar. Tinatanong nila kung nagustuhan niya ba ang bago niyang lugar. Hindi niya gustong sumagot ng kanilang mga mensahe sa ngayon. Pakiramdam niya ang layo layo nila.

      Wala siya masyadong nakain. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sinubukang baguhin ang nasa isip niya. Inisip niya ang kanyang bagong apartment sa kalye ng 132nd, nasa ika-limang palapag. Luma at madumi ang gusali at walang elevator dito. Lalo siyang nahilo sa pag-iisip na ito. Huminga siya ng malalim at sinubukang mag-isip nang iba pang bagay. Bagay na maganda sa buhay niya.

      Meron siyang nakababatang kapatid na lalaki. Sam ang pangalan niya. Labing-apat na taon pa lamang siya ngunit para siyang dalawampung taon sa kanyang ikinikilos. Tumayo siya na parang nakatatandang kapatid sa kanya. Dahil siguro ito sa pag-iwan sa kanila ng kanilang ama at ang masamang pagtrato sa kanila ng kanilang ina. Nakikita niya ang masamang epekto nito sa kanya sa lagi niyang pakikipag-away sa eskwelahan. Sana lang ay hindi ito lumala.

      Pero pagdating kay Caitlin, ibang usapan ito. Mahal na mahal siya ni Sam. Lagi siyang maasahan. Kaya naman gagawin ni Caitlin ang lahat para protektahan ang kapatid niya.

      "Caitlin?"

      Nagulat siya.

      Nakatayo sa may tabi niya, hawak ang isang trey sa isang kamay at isang byolin sa kabilang kamay, si Jonah.

      "Ayos lang bang umupo sa tabi mo?"

      "Hindi - aaay oo!" kinakabahan at namumula niyang sagot.

      Nginitian lamang siya ni Jonah. Umupo ito na maayos sa kanyang tabi nang may perpektong postura. Dahan-dahan niyang inilapag ang byolin at pagkain sa mesa. Mayroong iba sa kanya. Hindi siya nababagay dito sa lugar na ito. Para siyang galing sa ibang kapanahunan.

      "Kumusta ang unang araw mo?" tanong ni Jonah.

      "Hindi ito ang aking inaasahan."

      "Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin." sabi niya ulit.

      "Isa ba iyang byolin?" sabay tingin ni Caitlin sa bagay na nasa ibabaw ng mesa. Hawak ito