Морган Райс

Ikot


Скачать книгу

tingin ni Caitlin sa kapatid.

      "Naisip ko pa ngang maglayas e."

      "Anong ibig mong sabihin? "

      Nagkibit balikat lamang ito. Pinagmasdan siya ni Caitlin. Mukhang nalulumbay ito.

      "Saan?"

      "Hindi ko alam. Siguro hahanapin ko si tatay" sagot ni Jonah.

      "Paano? Hindi natin alam kung nasaan siya."

      "Hahanapin ko siya. Susubukan ko."

      "Paano?"

      "Hindi ko alam pero susubukan ko."

      "Sam, baka patay na siya hindi natin alam iyon." sabi ni Caitlin.

      "Huwag kang magsalita ng ganyan."namumulang sigaw ni Jonah.

      "Pasensya na" sabi ni Caitlin. Kumalma siya.

      "Pero naisip mo ba na kahit makita natin siya, baka hindi niya tayo kilalanin? Hindi niya tayo kinilala at hindi siya sumubok na hanapin tayo."

      "Siguro dahil ayaw siyang payagan ni nanay."

      "O baka dahil ayaw niya sa atin." sabi ni Caitlin.

      Lalong sumimangot si Jonah. "Hinanap ko siya sa Facebook. "

      Nanlaki ang mga mata ni Caitlin. "Nahanap mo siya?"

      "Hindi ako sigurado. May apat siyang kapangalan. Dalawa sa kanila pribado at walang litrato. Pinadalhan ko sila ng mensahe." paliwanag ni Jonah.

      "Tapos?"

      Umiling lamang si Jonah. "Hindi pa sila sumasagot."

      "Wala siguro siyang Facebook."

      "Hindi mo alam iyon."

      Napabuntong hininga si Caitlin. Humiga siya sa kaniyang kama at tumingin sa naninilaw at nagbabakbak na kisame. Paano ba sila umabot sa ganoon. May mga maayos na lugar naman sila dati kung saan naging masaya sila pati ang kanilang ina. Panahong may nakilala siyang bagong lalaki. Hindi siya nito laging kinagagalitan.

      May mga bayan din na nagkaroon sila ng maraming kaibigan. Akala nila magtatagal sila doon hanggang sa sila ay makatapos. Ngunit sa bilis lagi ng mga pangyayari, lilipat na naman sila. Mag-eempake at magpapaalam. Masama bang humiling ng normal na buhay?

      "Pwede akong bumalik sa Oakville." biglang sabi ni Jonah. Napatigil ang kaniyang pag-iisip.

      "Pwede akong makitira sandali sa mga kaibigan ko."

      Hindi na niya kinakaya ang araw na ito. Sa mga sinasabi ni Jonah, gusto rin siyang iwan nito. Para bang wala na siyang pakialam sa kaniya.

      "E di umalis ka!" biglang pa-angil na sabi ni Caitlin. Parang ibang tao ang nagsalita. Pinagsisisihan niya ang nasabi niyang iyon.

      Bakit ba hindi muna siya mag-isip bago magsalita? Kung mabuti sana ang pakiramdam niya at mas mahinahon siya, hindi sana siya nakapagsalita ng ganoon. Maaaring ang nasabi niya ay - "Alam kong ang ibig mo talagang sabihin ngayon ay hinding hindi ka aalis dito sa lugar na ito kahit pa gaano kahirap. Hinding hindi mo ako iiwan dahil tayo na lamang ang magkakampi."

      Ngunit naunahan siya ng kanyang init ng ulo. Kita sa mukha ni Jonah na nasaktan ito sa kanyang sinabi. Kung maaari lamang bawiin ito para maging ok na ang lahat. Pero hindi niya maibuka ang kaniyang bibig para magsalita at humingi ng paumanhin. Tumayo na lamang si Sam at lumabas ng kaniyang silid.

      Idiyota! Bakit kinailangan mo siyang tratuhin katulad ng pagtrato sa iyo ng iyong ina?

      Humiga ulit siya at tumitig sa kisame. Naisip niya na isa pang rason kung bakit uminit bigla ang ulo niya ay dahil sa paggulo ni Jonah sa iniisip niya nung oras na iyon.

      Naisip niya si Frank, dating kasintahan ng kaniyang ina. Limampung taong gulang, malapad siya ngunit hindi matangkad at nakakalbo na din. Labing-anim na taong gulang siya noon. Isa iyon sa mga panahon na masaya ang kaniyang ina.

      Nakatayo siya noon sa maliit nilang labahan. Nagtititklop siya ng kaniyang mga damit nang bigla na lang dumating si Frank sa may pintuan. Lagi niya itong nahuhuling nakatingin sa kaniya.

      Nakita niya itong dinampot ang kaniyang damit panloob. Nakaramdam siya ng matinding hiya at galit na ikinamula ng kaniyang mukha. Itinaas niya ito sa ere sabay ngisi.

      "Nalaglag mo." sabi ni Frank. Mabilis itong hinablot ni Caitlin.

      "Anong kailangan mo!?" singhal niya.

      "Ganyan ba ang tamang pakikipag-usap sa bago mong ama?" Humakbang ito papalapit sa kaniya.

      "Hindi kita ama!"

      "Malapit na."

      Bumalik siya sa kaniyang mga damit ngunit naramdaman niya itong humakbang ulit papalapit sa kaniya. Masyadong malapit na kumakabog ang kaniyang dibdib.

      "Tingin ko ay oras na para mas kilalanin natin ang isa't isa. Ano sa tingin mo?" Sabay tanggal ng kaniyang sinturon.

      Sa kaniyang takot ay nagpilit siyang lumabas doon ngunit pinigilan siya nito, hinablot at inihampas siya sa may dingding.

      Doon niya naramdaman ang matinding galit. Galit na hindi niya pa naramdaman dati. Nag-init ang buong katawan niya. Nang lumapit sa kanya ito, tumalon si Caitlin at sinipa siya sa dibdib. Kahit na wala pa siya sa kalahati ng laki nito ay tumilapon siya deretso palabas ng pinto, hanggang sampung talampakan ng kabilang silid. Natanggal pati ang pintuan sa lakas ng kaniyang pagkakasipa. Nanginginig si Caitlin. Hindi siya bayolenteng tao. Wala pa siyang nasasaktan dati. Tsaka maliit lamang kumpara kay Frank. Papaano niya nalaman kung sumipa ng ganoon. Wala pa siyang nakitang taong tumilapon ng ganoong kataas dahil sa sipa. Saan galing ang lakas niyang iyon? Lumapit siya kay Frank. Wala itong malay na nakahilata sa sahig. Napatay niya kaya ito? Sa ngayon ay puno pa siya ng galit kaya't wala siyang pakialam sa kapakanan nito. Mas nag-aalala siya sa sarili niya. Kung sino o ano ba siyang talaga.

      Hindi na niya nakita si Frank kinabukasan. Iniwan na nito ang kaniyang ina. May suspetsa ang ina niya na may kagagawan siya sa nangyari kaya't siya ang sinisisi nito sa pagkasira ng kaniyang buhay pag-ibig. Isang bagay na nakapagpapasaya sa kaniya. Hanggang ngayon ay sinisisi pa rin niya si Caitlin.

      Bumalik ang tingin niya sa kisame. Iniisip niya kung konektado ba ang dating insidente sa nangyari ngayong araw. Inisip niya noon na nagkaroon lamang siya ng panandaliang lakas dahil sa galit niya kay Frank. Pero ngayon para bang mayroon pang iba. Meron ba siyang kakaibang lakas? Isa ba siyang abnormal? Sino siya?

      IKATLONG KABANATA

      Tumatakbo si Caitlin. Bumalik ang mga masasamang loob at hinahabol nila siya sa may eskinita. Wala na naman siyang mapupuntahan. Isa na namang mataas na pader ang nakaharang dito. Ngunit dumeretso siya ng takbo. Sobrang bilis niya hindi na maaninag ang mga gusali sa paligid. Ramdam niya ang lakas ng hangin.

      Nang malapit na siya sa pader, tumalon siya at napunta sa tuktok ng pader, mga tatlumpong talampakan ang taas. Tumalon siya ulit tatlumpong talampakan pa ulit pataas, dalawampung talampakan hanggang sa bumalik siya ulit sa pader ng may perpektong balanse. Tumakbo siyang ulit ng mabilis. Pakiramdam niya ay walang pwedeng makapigil sa kano iya. ParaI siyang lumilipad.

      Tumingin siya sa baba at napansin niyang ang pader ay napalitan ng matataas na damo. Biglang tumatakbo siya sa isang madamong kapatagan kung saan siya nakatira nung bata pa siya.

      Sa malayo ay abot tanaw niya ang kaniyang ama. Tumakbo siyang papalapit sa kaniya habang nakangiti ito at naka-abot ang kamay sa kanya.

      Hindi siya tumigil nang pagtakbo para umabot siya sa kanyang ama ngunit lalo lamang siyang lumalayo.

      Hanggang biglaan na lamang naramdaman niya na siya ay nahuhulog.

      Isang malaking medyebal na pinto ang bumukas at pumasok siya sa loob ng simbahan. Naglakad siya sa madilim na pasilyo. May isang lalaking nakatalikod bago dumating ang pulpito, lumuhod ito. Nang siya ay papalapit na, tumayo ulit ito at humarap sa kaniya.

      Isa itong pari at ang mukha niya ay nababalot ng takot. Naramdaman niya ang dugong umaagos sa kanyang mga ugat. At lalo pa